A simple girl who wants to glorify God.

Home » Post Item » Ibang klase magpakabaliw sa paglilingkod sa Panginoon

Ibang klase magpakabaliw sa paglilingkod sa Panginoon

September 11, 2009

          Hindi ko alam kung anong ispirito mayroon ang librong Jesus Freak. Habang binabasa ko ang mga istorya na nakasulat dito ay nararamdaman ko ang paghihirap nila sa loob ng kulungan, ang kaligayahan na kasama ang Panginoon, at kung gaano naging mabuti ang Panginoon sa buhay nila. Ang pagmamahal at kagustuhan na makakilala din ang mga nagpapahirap sa kanila at ang pagmamahal sa Pangoon ang nagpapalakas sa kanila. Minsan habang binabasa ko ang istorya ng dalawang magkaibigan na sina Maria at Varia. Naisip ko na ang paglilingkod na ginagawa ko ngayon ay hindi sapat para bigyan ng kaluguran at pasayahin ang Panginoon, sabi ko sa sarili ko na gusto ko ding tumayo sa tawag na Jesus Freak; I am freak in serving God, I am freak in loving God, pero bakit kapag magbabahagi na ng salita Niya; hindi ko magawa, natatakot ako, nawawala ang pagka-Jesus Freak ko. Hanggang sa salita lang ba ako? Hindi ko alam,,siguro OO, o , OO talaga, pero gusto kong magbago, gusto kong maging martyr sa paraan na alam ko para bigyan ng papuri at kaluguran ang Panginoon. Mahal ko Siya ng sobra sobra, higit sa buhay ko, higit sa anumang bagay dito sa mundo. Panginoon, tulungan Mo akong mgabago, turuan Mo ako na maging katulad Mo. <’,)))<

Posted by angelieserrano at 7:17 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment